(artikulo sa ABS-CBN website June 30, 2018)
Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.)
Normal na magkaroon ng "amoy" ang ari ng babae, ayon sa isang doktor.
Gayunman, may mga klase ng vaginal scent na hindi dapat ipagkibit-balikat dahil maaaring senyales na ito na may karamdaman ang babae.
Isa na sa ganitong klase ng amoy ay iyong tila "malansa" o "amoy-isda."
"Kapag fishy 'yan, you could have a... sexually-transmitted infection," babala ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM.
Aniya, dapat magpatingin agad ang babae sa kaniyang obstetrician-gynecologist (OB-GYN) kapag napansing ganito ang amoy ng ari.
Isa pang klase ng amoy na dapat bantayan ay kapag mistulang "amoy keso" o "lumang tinapay" ang ari.
Sabi ni Marquez, maaaring senyales naman iyon ng yeast infection na dapat ding matingnan agad ng espesyalista upang mabigyang lunas.
Hindi naman aniya dapat ipag-alala kung "musky" ang amoy ng ari.
"A healthy vagina will usually have some sort of smell. But the scent may vary from day to day depending on how active you are," ani Marquez. "Kung may musky smell, it's just because may pawis ka, sobrang pawis ka...down there."
Maaari ring mag-amoy bleach ang ari dahil sa ilang ginagamit kapag nagtatalik.
"Your vagina might smell differently depending on the lubricants you've used during sex or whether or not you've used a condom... puwedeng mag-amoy bleach. Pero OK lang 'yon. Nothing to worry about."
Natural din aniyang mag-amoy dugo ang ari kung malapit nang dumating ang buwanang dalaw ng babae o kaya nama'y katatapos pa lang ng kaniyang menstruation.
Sabi rin ni Marquez, puwedeng mag-amoy "matamis" ang ari ng babae, depende sa kaniyang kinakain.
"What you eat can make your vagina smell differently... if you eat oranges, pineapple, grapefruit, [these have] been known to sweeten the smell and the taste of vaginal fluids," anang doktor.